Sunday, October 5, 2008
Opening Speil
"Kailangan Pa Bang Imemorize yan?"
Nung nagsisimula pa lang nga ako, talagang super paghahanda ako sa pagpronounce at pad-articulate ng opening speil na ko. Todo emote at grabe ang tutok ko sa salamin sa kakapraktis. Nababaligtad pa nga ata ang aking dila dahil medyo malatounge twister pa ang effect ng speil ng comapany na inirerepresent ko.
Naging habit na ang pagsasambit ng walang kasawa-sawang script na ito. hanggang sa panaginip at mga bangungot kasa-kasama ko ang banggiting ito. Everytime na may maririnig kang kaching-kaching, biglang lalabas ang mga natural reflexes mo at biglang masasabi mo " Thank You For calling t*t T*t. How may I help You?" na may boses na namimistulang walang sakit, walang problema at mainit na tumatanggap sa kung sino mang makakausap mong hindi mo namna kakilala.
Dito nagsisimula ang usapan. Sa pagkakataon o kahit di ka pa man nagsisismulang banggitin iyong paboritong script (Opening Speil) na karaniwang sinasambit sa panimula ng tawag ay bigla ka nang sisigawan ng Kanong nasa kabilang linya. Pagkahaba-habang serye ng litanya ng mga kaartehan nalalaman, mga reklamo na walang kupas at pare-pareho, at lahat ng uri ng mga pagbabanta ang maririnig mo sa kanya. Ang pagmumura nilang walang wagas sa kabanalan at panghahamon at insultong napakainosente ang nagsisilbing musika sa iyong mga tainga.
Sa loob-loob mo hindi ka nalang sana nagpasalamat sa pagtawag nila o di kaya ay hindi ka na lang sana nagtanong kung ano ang maitutulong mo sa kanila kung mumurahin ka lang ng kausap mo sa kabilang linya.
Oo sa kabila ng pagmamagandang loob na tulungan mo sila ay minumura ka pa nla. Hindi ka rin naman makapagmura pabalkik dahil nasa kabilang linya naman ang mga tagapagtiktik satawag mo, mga nagwa-wiretap at nag-oobserba sa bawat o piling mga tawag na iyong natatanggap.Magkukunwari ka namang nakangiti kahit buwesit na buwesit ka na. Kunwaring nakangiti ka pa na sinisigawan ka nila. Habang Si Kustomer ay naglilitanya dagli monamang pipindutin ang Mute at saka ka naman Magmumura sa Kausap sa mga katangahang nagawa nya. Dito mo naman nailalabas ang Tensyon sa isipan. Napakataas na uri ng kaplastikan at pagkukunwari mo namang sasabihin sa kahuli-hulihang bahagi ng inyong usapan na ikaw ay nagpapasalamat sa kanilang pagtawag. Pagkatapos ng buong usapan pipindutin ang mute at saka ka mgamumura sa harap ng Avaya na wala namang kinalaman sa inyong usapan. Biglang Tutunog ang Prompt ng pagdating ng Susunod na tawag. Biglang Pipindutin ang mute. Magpapalit ng mukha, Mula sa galit at naiinis na emosyon patungo sa isang mapagkumbaba at propesyonal upang sambitin na naman ang walang kasawa-sawang Opening Speil.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment